Saturday, March 10, 2018

Mindanaoan galit na binanatan ang Rappler: Huwag ninyong tarantaduhin ang katotohanan!


Sa kabila ng pagkansela ng SEC o Securities and Exchange Commission sa lisensya ng news site na Rappler, ito ay malaya pa din na magpatuloy sa kanilang operasyon gaya ng dati.
Serafin Ledesma Jr. and Rappler logo | Photo CTTO

Dahil sa ilan nitong mga balita na di umano ay misleading, binanatan ni Serafin Ledesma Jr. ang nasabing news site sa isa sa kanyang mga Facebook posts.

Si Ledesma ay isang masugid na taga-suporta ng Pangulong Rodrigo Duterte na — base sa kanyang Facebook profile — nagtapos mula sa Mindanao University.

Narito ang kanyang naturang Facebook post:

Walang kabuluhang ingay patungkol sa Rappler

“Do not f-ck with the facts”. 

Huwag ninyong gaguhin at tarantaduhin ang mga punto at katotohanan. Patawarin niyo ako sa pag-gamit ng salitang kalye na ito ngunit ito lang ang lenggwaheng na tila pamilyar sa Rappler at mga taga sunod nito. Ang tila huli ng pagaanunsiyo at pagpapalabas nito ng pahayag mula sa Omidyar Network na may malaking halaga na katumbas ng 1.5 milyong dolyar ay donasiyon sa 14 na benepisyaryo ng Rappler ay inaasahan nilang paniniwalaan ng mga korte sa Pilipinas ito.
Serafin Ledesma Jr. | Photo from Facebook

Ano nga naman ba ang mapatutunayan nito? Pinatunayan lamang nito na ang Rappler ay ang kanilang mga kawani ay binayaran ng Omidyar. At diyan na nga napunta ang ipinangangalandakan nilang kalayaan sa pamamahayag. Sa pagsubok nilang maka piglas at makalusot sa mga patakarang ligal, ang pagkukunwari at pagbabalandra ng kalayaan ni Ressa at mga kasamahan nito ay gumuho at bumagsak sa mabahong basura.

 Ang Rappler o si Ressa ay tila naka lubog ngayon sa tila kumunoy. Bawat desperadong hakbang o pagkilos ay lalong maglulubog sa kanya sa kalaliman ng hukay. Ang Omidyar Network ay tila natanggalan ng maskara at nahayag din. Isang kumpaniya na nasangkot sa planong pagpapasama sa Presidente ng Ukraine na nagbitiw sa kaniyang posisiyon sa gitna ng dami ng mga isyu at kasinungalingang ginawa gawa ng kaniyang mga kritiko na napabalitabg pinondohan ng ON. Ang istratehiya o istilong ito ang kahalintulad ng ginagawa nila upang siraan at pasamain si Pangulong Rodrigo R. Duterte. Ang pagkakamaling nagawa ng Rappler ay ang pagtuon at pagtutok nila sa nakasasawa at pinilipit na mga isyung bumabalot sa Extra-judicial killing at Davao Death Squad na paboritong putahe ng nakakulong na Senador na si Leila De Lima at mga matitigas ang ulong kalaban ni Duterte.
Rappler's CEO Maria Ressa | Photo CTTO

Simple at kombinyenteng ginamit ng Rappler ang " pag-amin at pangungumpisal" ng mga sinungaling na testigong sila Matobato at Lascanas na mas pinalala pa ng kagulat gulat na pag-ako ng dalawa na sa pagitan nilang dalawa ay pumatay sila ng nasa 1,200 mga biktima sa utos ni Duterye na sinabi nilang bumuo ng Davao Death Squad. Ang pinaka-malaking kasinungalingan ng Rappler ay ng itaas nila ang numero o bilang nito sa 7,000 biktima ng EJK. Bago pa man ito matapos, ginagamit din ng Time magazine ang kahalintulad na istatistikang inimbento ng Rappler. Ilang panahon bago ang ASEAN summit, sinubukan ng Amnesty International ang panibagong kasinungalingan ng ipangalandakan nito sa mundo na 30 milyong mga Pilipino ang biktima ng EJK. Nang matapos ang summit humingi sila ng paumanhin.

 Nag-gugumulong sa tuwa si Maria Ressa ng si Stephen King, ang pinuno ng Global Governance and Citizens Engagement ng Omidyar Network ay nagpalabas ng sulat na nag-sasaad na ibinibigay nito bilang donasiyon ang 1.5 milyong dolyar sa 14 na mga tauhan ng Rappler. Ito, ay para ma-resolba ang isyu o usapin na pagmamay ari ng banyaga ang nasabing kumpanya.
Rappler reporter Pia Ranada | Photo CTTO

 Talaga? Kamangha-mangha!!

Ang pagbigay ng malaking halaga sa Rappler ng ON bilang pilantropong ay hindi makapagbubura sa duda na ito ay yuyukod at isusuko ang kanilang "indipindensiya" mula sa kumpaniya o himpilang nagpabagsak sa Pangulo ng Ukraine na si Victor Yanukovych na maka Russia. Huwag na huwag isipin na ang ON ay simpleng pilantropong kumpanya lang. Sa kaso ni Yanukoviych nakipag-kasundo ito sa USAID sa pagbibigay ng tulong sa mga non-government organizations na nagsusulong demokrasiya, transparency, kalayaang makapaghayag at karapatang pantao. Hindi ba’t tila pamilyar at may kahalintulad ito sa ating bansa?

 Si Yanukovych ay kaawa-awang biktkma. Ang pera ng USAID na iniukol para sa mga NGO at mamamahayag ay idinaan at tinanggap ng isang inosenteng grupo. Dahil tila hindi pa ito sapat, ang Renaissance Foundation ng George Soros at National Endowment for Denocracy ng kongresso ng US ay pinondohan ang pagpapatalsik kay Yanukovych. Kung ang ON at may Rappler sa Pilipinas, mayroon din itong Intercept sa Ukraine.

Sa karaniwang pagpapakita at istilo ng pagka-arogente , iginiit ni Stephen King ng ON: " kami ay lubusang naniniwalana ang kumpaniya ( Rappler) ay dapat na pahintulutang makapagpatuloy sa kanilang operasiyon at hindi dapat pipigilan sa Pilipinas", dagdag pa nito na "hindi pinuputol ng ON ang ugnayan nila sa Rappler". 

 Sa Ukraine napatalsik si Yanukovych ng tinawag nilang Orange Revolution. Ito rin ang kahalintulad na pag-aaklas na naglagay kay Yanukovych noon sa posisiyon. Sa Pilipinas, ang nga nalalabing kilala natin ngayon na mga dilawan o yellowtards ay sinubukang buhayin ang People Power upang guluhin ang gobyernong Duterte. Ang kakarampot na grupo ay miserableng nabigo. Si Maria Ressa at Pia Ranada lang ang bukod tanging pares ng mamamahayag na nagrereklamong sinusupil ang kanilang kalayaang makapamahayag. Ang EDSA, ang lugar kung saa pinlano ng mga nag-organisa ng panibagong People Power, ay nilangaw sa araw na dapat isinagawa ang pagtitipon.

 Ang Omidyar ay nagkamali sa pagbasa sa pulso ng mga Pilipino na kagagaling lang sa bangungot na pamumuno ng isang inutil at tiwaling gobyerno ni Aquino. Ang Omidyar na nagpapatakbong ng e-Bay empire ay naniwala sa mali maling kasinungalingan na isinubo sa kanila nh Rappler, ng Time Magazine at mga grupong kumikita sa usapin ng karapatang pan-tao na napakarami sa bansa kung saan sila sila rin ang mga direktor at miyembro. Lingid sa kaalaman ng Omidyar ang tiwala at popularidad ni Pangulong Duterte ay hindi matatawaran sa kasaysayang pulitikal ng Pilipinas.

 Bigyan pansin ang mga bagong kaganapan na mainit-init pa: Ang lider ng oposisiyon, si Bise Presidente Leni Robredo, nagpahayag ng kaniyang pagnanais na muling mapabilang sa gabinete ni Duterte. Noong nakaraang linggo ang European Union ay pumayag ng tanggalin ang mga kondisyones na naka ugnay sa mga tulong nito sa Pilipinas. 

 Natutuwa sa galak ang mga Pilipino dahil sa ang mga miyembro ng oligarkiya na dati ay hindi magalaw ng sinoman noong mga nakaraang administrasyon ay nagbabayad na ang buwis na aabot sa bilyon bilyong piso. Ang nag-u-ulol na kritiko ng gobyernong Duterte ay nakita na ang liwanag ng araw matapos na makita ang listahan ng mga naglalakihang proyekto na nakakamada at naka-abang na ang implementasiyon na sisimulan ngayong taon sa ilalim ng BUILD BUILD, BUILD na programa ng Duterte administrasiyon.

 Sa paksang usaping patungkol sa Rappler ano pa ang halaga nito para sa akin? Ang Court of Appeals ay maaring bawiin na ang ipinataw na parusa ng Securities at Exchange Commssion sapagkat bistado ng ang pakay ng Rappler at wala na itong kabuluhan sa ating lipunan.


Hello dear avid readers! What are your thoughts on this? Please let us know on the comments section below as we would love to hear it. Also, please share the article for more of this. We appreciate your support with us and may you continue to do such by visiting our page more often. Thank you so much!


Love this article? Please like our Facebook page below and Share this article to your friends!


We would love to hear your thoughts. Please share your comments below: