Saturday, March 10, 2018

Doctor on Dengvaxia mess: Eto ang ebidensyang hawak ng PAO at eto ang pinipigilang lumabas!


In the wake of the Dengvaxia scare, a Filipina Doctor based overseas shares her thoughts on Facebook.
Photo CTTO

Rolaiza Mimi Singayao, a Filipino Moro-Lumad Doctor, is now living in Muscat, Oman. Bothered by the fuss that is going on in the country lately, Singayao posted her take about the controversial anti-dengue vaccine created by Sanofi.

With some government officials who seem to go against Public Attorney's Office Forensic Team or PAOFT's findings, the Filipino Moro-Lumad Doctor wonders why some officials from the administration said 'discrediting statements' for Dr. Erfe by saying he is not an expert.

'Bakit sumali na sa mga umaatake kay PAO Forensic Laboratory Director Atty./Dr. Erwin Erfe sina DOJ Secretary Aguirre at Spokesperson Roque? Bakit nila sinabi na hindi expert si Dr. Erfe?', she wrote adding 'Pero bakit may mga statements ang ating Presidential Spokesperson at DOJ Secretary discrediting na hindi 'expert' si Dr. Erfe? Bakit kaya? May conflict of interest din ba?'.
Dr. Erwin Erfe and Atty. Persida Acosta | Photo CTTO

The Doctor also said, 'Sino ang mga amo ng mga tila pilit na ino obstruct o pinipigilan o nililihis ang paglabas ng katotohanan? Sino ang boss ng mga eto?'

Singayao mentioned however that it is clear at which side does Dr. Fortun and Dr. Cabral are both in favor of by stating below on the said post:

'Mga unang nag ingay tungkol sa isyu ng hindi pagiging expert ay si Dr. Fortun isang forensic pathologist at tumatayong expert para sa Sanofi ngayon. Naiintindihan natin kung bakit ganun atake nya sa kapwa nya doktor. Kasi nasa panig sya ng Sanofi.'

'Naringgan din natin na kumokwestyon ay ang mga "Doctors for Public Welfare" na ni li lead ni Dr. Cabral, na isang trustee ng Sanofi.'
DOJ Secretary Vitaliano Aguirre II | Photo CTTO

'Malinaw kung kaninong interes ang pino protektahan nina Dr. Fortun at ng Doctors for Public Welfare, that of Sanofi.'

Check out her full post below:

Hindi ako mapalagay:
(Mahaba po 'to, sana keri lang)

1.Bakit sumali na sa mga umaatake kay PAO Forensic Laboratory Director Atty./Dr. Erwin Erfe sina DOJ Secretary Aguirre at Spokesperson Roque? Bakit nila sinabi na hindi expert si Dr. Erfe?

2.Mga unang nag ingay tungkol sa isyu ng hindi pagiging expert ay si Dr. Fortun isang forensic pathologist at tumatayong expert para sa Sanofi ngayon. Naiintindihan natin kung bakit ganun atake nya sa kapwa nya doktor. Kasi nasa panig sya ng Sanofi.
Presidential Spokesperson Harry Roque | Photo CTTO

3.Naringgan din natin na kumokwestyon ay ang mga "Doctors for Public Welfare" na ni li lead ni Dr. Cabral, na isang trustee ng Sanofi.

4. Malinaw kung kaninong interes ang pino protektahan nina Dr. Fortun at ng Doctors for Public Welfare, that of Sanofi.

5. Pero bakit may mga statements ang ating Presidential Spokesperson at DOJ Secretary discrediting na hindi 'expert' si Dr. Erfe? Bakit kaya? May conflict of interest din ba?

Maiksing background:

Sa Medical Jurisprudence po na tinuturo sa medical schools (at kasali sa subjects na dapat maipasa sa Medical Board exams), wala pong categorical na pag specify na tanging eksperto lang sa forensic pathology ang pwedeng gumawa at magbigay ng opinyon patungkol sa findings ng autopsy. Wala pong ganun na limitations na nakasaad sa batas ng Pilipinas. Pwera na lang kung may nabago last week at hindi ko pa nababasa.
Dr. Rolaiza Mimi Singayao | Photo from Facebook

Si Dr./Atty. Erwin Erfe ay isang forensic expert at abogado ng PAO, qualified po siyang magsagawa ng autopsy at magbigay ng kanyang findings at opinyon ayon sa batas ng Pilipinas.

Kopya, mga Kapatid?

Mga ilang katanungan:

Q1. Bakit kaya binibirahan at sinisiraan si Dr. Erwin Erfe? At ang PAO?

Dahil may hawak silang ebidensya na sasagot sa maraming tanong, kung hindi man sa lahat ng mga lumilitaw na tanong. Ang mga kasagutan sa mga tanong ay mismong ang mga labi ng kabataan ang nagpakita o magtuturo.

Q2. Ano nga ba ang nakakabahala para sa Sanofi at sa mga opisyales na sangkot sa Dengvaxia?

Ang pag diagnose ay isang proseso ng problem solving. Sa mga mortality cases o yong mga kasong namatay, aaralin at hahanapan ng sagot kung ano ang "most likely reason" ng pagkamatay.

In this instance, the most likely cause that led to the deaths is viscerotropism-like disease o multiple organ failure. Bumigay at hindi na gumana ang mga organs. Ok po? Yan na lang muna.
(Try po natin isulat to separately para matutunan natin).

Kopya? Ituloy pa natin.

Maiksing silip sa proseso ng pag diagnose: 
Iipunin ang salient features: (kinabibilangan ng history, kasama ang paunang reklamo o naramdaman ng pasyente ie. presentasyon at physical examination; ihahain ang paunang impression at mag ko konsider ng differential diagnosis. Lalapatan ng clinical significance yong resulta ng mga tests na isinagawa; progreso habang nasa pagamutan hanggang sa pagka sawi o pag galing). 
Eto yong clinical summary. At ang paglatag ng diagnosis.

Ang manggagamot ay mag iisip kung ano ang maaaring isang primary diagosis na sasagot sa samut saring presentasyon. Kung maari ay i na narrow down ang working impressions o diffrential diagnosis. Clinical eto na proseso. Depende sa progress ng pasyente maaring mabago eto at iyon ang mag ga guide sa management ng gamutan.

May mga kaso na nakababahala at kung itoy nasawi ay nag o offer ang pagamutan ng autopsy. Pag ginawa ang autopsy, maraming kasagutan ang lilitaw. Pwedeng i affirm o patotohanan nito ang diagnosis at maari ring iba at hindi ang inaasahan ang kalalabasan ng autopsy report, dahil lubhang malayo o hindi ini expect base sa itinakbo ng progreso ng pasyente.

Ang mga sagot ay nasa labi ng nasawi. Nasa forensic findings. Nasa mga tissue samples na nasilip na under the microscope. 
Eto ang ebidensyang hawak ng PAO. At eto ang pinipigilang lumabas.

Maaaring sina Dr. Fortun ng Sanofi at Dr. Lim ang tanging 2 forensic pathologists sa bansa. Kinikilala natin na may mga eksperto sa larangan ng medisina na ganito ang specialty.

At si Dr. Erfe ay forensic expert na abogado pa. Ang pagsagawa at pag report ng gross forensic findings ay napapaloob sa expertise nya. Ang forensic histo-pathologic report (base sa tissue sample mula sa labi at ineksamen under the microscope) sa kaso ni Anjielica Pestilos ay ni report ng mga pathologists ng Ospital ng Lungsod ng Maynila.

Hinga ng malalim. Sa lagay na eto, hindi pa rin experts? Hindi pa rin oobra? Saan sa batas na nagsasaad na hindi pwedeng magbigay ng opininyon ang kagaya ni Atty./Dr. Erwin Erfe at ng kanyang Team?

Sino ang mga amo ng mga tila pilit na ino obstruct o pinipigilan o nililihis ang paglabas ng katotohanan? Sino ang boss ng mga eto?

Lunes na. Sana mailinaw ito ng mga kinauukulan. Napupulaan ang Pangulong Duterte dahil sa mga statements ng mga taong kasama nya sa gabinete at Malacanang.

-------------------

Lunes na. 71 days after hininto ng DOH ang Dengue immunization program.
Kalampag sa DOH para sa Dengvaxia-related concerns

Source: Rolaiza Mimi Singayao

Hello dear avid readers! What are your thoughts on this? Please let us know on the comments section below as we would love to hear it. Also, please share the article for more of this. We appreciate your support with us and may you continue to do such by visiting our page more often. Thank you so much!


Love this article? Please like our Facebook page below and Share this article to your friends!


We would love to hear your thoughts. Please share your comments below: