Friday, February 16, 2018

WATCH: Pasahero binanatan ng mga kapwa pasahero matapos umano nitong bastusin ang jeepney driver


Viral ngayon ang video ng isang pasahero na nakikipag-sagutan sa mga kapwa nito pasahero at sa mismong driver ng e-jeep.
Ang e-jeep driver at ang pasaherong nagreklamo | Screengrab from the video

Nangyari ito matapos umanong magreklamo ang lalaking pasahero na ito sa driver. Ang tinutukoy na pasahero na umaangal sa driver ay nakaupo sa unahan kung saan katabi nya mismo ang nagmamaneho ng kanilang sinasakyan. 

Ayon sa kuhang video ng isang concerned netizen, nagreklamo ang pasaherong ito dahil umano hindi huminto ang naturang sasakyan sa kanyang harapan. Dahilan upang sya ay maglakad pa ng ilang hakbang para makasakay lamang sa unahan. 
Ang pasaherong nagreklamo | Screengrab from the video

Mababasa sa Facebook post ng netizen na si Val Cordial, ang nag-upload ng nabanggit na video, ang caption na 'Eksena kaninang umaga sa e-jeep. Ito si kuya sa unahan nagagalit sa driver kasi hindi sa harapan nya itinigil yung e-jeep na naging reason para maglakad sya ng mga 5steps para dun sa unahan makaupo .. ayan tuloy nag init ulo ng ibang mga pasahero sa kanya. Hindi lahat ng Customer/pasahero TAMA!!! At wag mong pagalitan si kuya driver dahil nagtatrabaho sya ng maayos'.

Sa nasabing video, masasaksihan sa kuha na ito kung paano nagpaliwanag ng maayos ang driver sa pasaherong umangal kung bakit sya ay hindi nakahinto sa eksaktong lugar kung saan nakapwesto ang nagrereklamo. Base sa paliwanag ng matandang driver, sinabihan lamang sya ng marshal na umurong para makadaan ang mga tao kung kaya't sumunod lamang sya dito.
Ang e-jeep driver | Screengrab from the video

Matapos magpaliwanag ang driver, sinabi nya sa pasahero na 'Ibang klase kayo ah?' kung saan mabilis na sumagot ang nagrereklamo at sinabing 'Ibang klase ka rin kuya. Customer ako ganyan ang ugali mo?'. 'Hindi, customer is always right, pero tama naman ako ah?', tugon ng driver.

Sa pagkakataong iyon, pumasok na ang mga ibang pasahero para ipagtanggol ang kawawang nagmamaneho. 'Hindi lahat ng customer tama!' sagot ng isang lalaking pasahero. 'Gag*, umagang-umaga 'tong ano na 'to eh. Sasakay ka lang, umurong lang ng konte, gag* ka hindi ka makakapaglakad?', sabat naman ng isa pa. 

Mabilis namang sumagot ang pasaherong nagreklamo sa mga taong pinagsasabihan sya at sinabing 'Bakit ho kayo nangengealam?' kung saan agad naman syang sinagot sya ng mga galit na kasama nang 'Kasi mali ka eh!' at 'Ang aga pa eh! Nakaka-badtrip ka eh!'
Ang pasaherong nagreklamo | Screengrab from the video

Ngunit nang sinabi ng isang babaeng pasahero na 'Gag* ka. Wala ka sa lugar. T*ng-ina mo. Talaga?', nag-init lalo ang ulo ng lalaking pasahero at sinabing 'Wala ho kayong karapatang magmura! Sino yung nagmumura? Ano po kayo? Pinapakain nyo ba 'ko? Wala kang karapatan, Miss, ha! Wala kang karapatan! You don't feed me! You don't f*cking feed me!'. Ganun pa man, hindi pa rin nagpa-awat ang babaeng pasahero at sumagot nang 'F*ck you! F*ck you! Shut up!'. Maririnig sa video ang isang lalaking pasahero na galit din sa nagrereklamo at sinabing 'Galing! Aga mo! Ang aga mong mambadtrip eh!'. 

Nang tanungin ng nagrereklamong pasahero ang galit na baabe sa kanya tungkol sa kanyang trabaho, doon na nagsimula ang kanilang napaka-habang argumento.

Read the transcription below:

'San ka nagta-trabaho, Miss, ha? San ka nagta-trabaho?' tanong ng reklamador. 'Sa Convergys! Puntahan mo 'ko dun sa opisina kung gusto mong mag-reklamo.', sagot naman ng babae.

Reklamador:  'Oh, kaya pala eh! Kaya pala! 

Babaeng pasahero: Bakit ikaw san ka nagta-trabaho?

Reklamador: Sa WNS, oh?

Lalaking pasahero: Eh kaya pala eh! Oh my god! Dyos ko! Ugali mo huy! Basura, pucha! 

Reklamador: CVG? T*ng ina! Basurang kumpanya! 

Lalaking pasahero: Uy, basurang kumpanya din yan! Tira-tira lang yan! 

Matapos ang kanilang diskusyon na ito, sinabi ng lalaki sa driver na 'Boss, i-report mo yan! Dapat yang mga ganyan hindi pinapasakay yan eh.'

Reklamador: Ang galing nyo.

Lalaking pasahero: Eh mas magaling ka! 

Reklamador: Epal kayo! 

Lalaking pasahero: Mas epal ka!

Reklamador: Hindi kayo inaano!

Lalaking pasahero: Ang aga aga namba badtrip ka eh. Siguraduhin mong kaya mong panindigan yan uy!

Manong Driver: May problema ka ba? Tinatanong kita kung may problema ka ba?

Reklamador: Kayo ho may problema ho kayo?

Lalaking pasahero: Manong, manong wag mo nang patulan yan, alam mo kung bakit? Boss, maliit ang tingin nya sayo kaya ganyan yan.

Manong Driver: Yan ang tingin mo sakin? Tapos ka ba?

Reklamador: May diploma ako, oh?

Lalaking pasahero: Tapos ka pala eh, ganyan ugali mo!

Babaeng pasahero: Parang walang pinag-aralan. Hay*p!

Reklamador: Ba't tayo napunta sa education? 

Babaeng pasahero: Eh gag* ka kasi. Sinimulan mo 'to eh. Uminit ang ulo namin sayo eh.

Lalaking pasahero: Sarap-sarap ng umaga namba-badtrip ka eh. Kala mo isang kilometro nilakad mo?

Sa dulong bahagi ng video, sinabi ng galit na lalaking pasahero sa nagrereklamo na wag syang magpapakita sa North Gate. Maya-maya ay nagbanta sya na 'WNS ka, mamaya ka!' kung saan sinagot naman nang nagrereklamo na 'CVG ka, mamaya ka rin'.

Sa bandang huli, napabulong ang galit na lalaki na 'Bakla kang hay*p ka'. Dagdag pa nya 'Kala mo yaman mo 'no? Sasakay ka lang din naman. Dapat nag ga-grab ka o kaya may kotse ka, badtrip'.

Mapapanuod sa video na ito na kumakalat ngayon sa Facebook ang away sa pagitan ng nasabing pasahero laban sa mga kasama nyang pasahero ng jeep:


Source: Val Cordial

Hello dear avid readers! What are your thoughts on this? Please let us know on the comments section below. Also, please share the article for more of this. We appreciate your support with us and may you continue to do such by visiting our page more often. Thank you so much!


Love this article? Please like our Facebook page below and Share this article to your friends!


We would love to hear your thoughts. Please share your comments below: