Sunday, February 25, 2018

Historian, ibinunyag kung ano ang patunay ng demokrasya sa bansa; may panawagan sa mga taga-suporta ng pangulo


Habang ginugunita noong February 25 ang ika-32 anibersaryo ng EDSA I, kabi-kabila ang opinyon ng mga prominenteng tao sa social media.
Van Ybiernas | Photo from Facebook

Isa na rito ang historian at De La Salle University professor na si Van Ybiernas. Si Ybiernas ay kilala bilang taga-suporta ni Pres. Rodrigo Duterte. Ngunit kahit sya ay masugid na sumusuporta sa pangulo, ang mga punto ng nasabing historian ay balanse, makabuluhan at base sa katotohanan. 

Sa isa sa mga kanyang Facebook post, naghayag ng opinyon ang naturang propesor tungkol sa isa sa mga pinaka-makasaysayang kaganapan sa bansa na nakilala sa buong mundo tatlong dekada na ang nakalipas. 


Van Ybiernas | Photo from Facebook
Tinaguriang People Power Revolution, nangyari ang bahagi ng kasaysayan na ito dahil sa sinasabing diktadurya sa panunungkulan ng noo'y pangulong si Ferdinand Marcos. 

Ayon ka Ybiernas, ang pag-aaklas ng maraming Pilipino noon ay nangyari para ipaglaban ang dalawang bagay: ibalik ang demokrasya sa bansa at labanan ang diktadurya.
Photo CTTO

Sa kaparehong post, sinabi ni Ybiernas na wala ng 'relevance' ang EDSA sa kasalukuyan. Dagdag pa nya, 'democracy is alive and kicking'. Ika pa ng kilalang propesor, ang patunay dito ay ang ating pangulo mismo na si Duterte. Kung bakit, banggit ni Ybiernas, 'Hindi magiging pangulo ang isang gaya ni Duterte kung walang tunay na demokrasya sa bansa'.

Demokrasya mismo ang nagbigay daan kung kaya't nanalo sa pagkapangulo ang dating Mayor ng Davao City noong nakaraang halalan taong 2016, ayon sa kilalang historian. Ika din nya, hindi dapat iniuugnay sa pagiging diktador ang pagiging matapang na lider ng kasalukuyang presidente. 

Tayo ay nasa Asya, ang tahanan ng mga matatapang na namumuno, banggit nya. 

Sa huli, sinabi pa ni Ybiernas na pinag-aaralan natin ang kasaysayan, ngunit hindi tayo dapat doon manirahan.


Photo CTTO
Basahin ang kanyang Facebook post:

Kalma lang sandali, Marcos loyalists...
EDSA I | Photo CTTO
EDSA 1986 fought against two issues: bring back democracy AND fight dictatorship.

Tapos ang dalawang problemang ito kaya wala na relevance ang EDSA.

DEMOCRACY IS ALIVE AND KICKING!
Proof? Duterte! Hindi magiging pangulo ang isang gaya ni Duterte kung walang tunay na demokrasya sa bansa.

Duterte had no business winning the presidency in 2016. No money. No machinery. Not a national politician. This guy won because of a fully-functioning democracy.
Photo CTTO

Dictatorship?
Do not confuse a STRONG LEADER with a dictator. This is Asia, the home of strong leaders.
Supreme Court is fully functioning.
Legislature is also functioning.
CHR is always attacking the President.
Ombudsman refuses to obey the President.

Where is the dictator?

EDSA is no longer relevant. We've moved on. The country has moved on. Only those with an ulterior political motive and agenda can't seem to move on.

We study history. We don't live there.
Screengrab from Ybiernas's Facebook post

Sa isa pang Facebook post, nanawagan si Ybiernas sa lahat ng mga Pilipino kasabay ng pagdiriwang na ito. 

Sa naturang post, sinabi nya na tayo ay hindi dapat maging alipin ng nakalipas at hindi dapat tayo tumira sa nakaraan. Dagdag pa nya, huwag dapat nating pilit na buhayin pa ito. Bagkus, tayo ay umabante, sumulong, at lumaya na mula rito.

Base sa pananaw ng sikat na taga-suportang ito ng pangulo, dapat nating labanan ang pilit na nagtatali sa atin sa EDSA gayun din ang mga pilit na ginagawa tayong alipin nito.

Basahin ang kanyang Facebook post:

Di ko sure if mag-a-agree ang ibang historyador sa akin.

Pero, kahit na nagtuturo ako ng kasaysayan, ang layunin ko ay tulungan ang mga kababayan natin na LUMAYA mula sa nakalipas.

Hindi tayo dapat ALIPIN NG NAKALIPAS.

Hindi tayo dapat NAKATIRA SA NAKALIPAS.

Huwag natin pilit buhayin ang nakalipas.

Umabante tayo! Sumulong tayo! Lumaya tayo!

Para tuwing babalikan natin ang nakalipas, mangingiti na lang tayo, kahit na matamis at/o mapait ang alaala ng nakalipas. Dahil nalampasan na natin ang hamon ng nakalipas at umabante, sumulong na tayo sa kasalukuyan at hinaharap. Lumaya na tayo sa nakalipas.

In short, ang mga taong pilit tayong tinatali sa ating nakalipas, ay pilit na inaalipin tayo.

Huwag ganun! Sama-sama tayong lumaya!
Magbalik-tanaw sa nakalipas, oo. Nagbabalik-tanaw tayo sapagkat tayo'y lumaya na! Magbabalik-tanaw tayo, pero, hindi tayo dapat manirahan sa nakalipas.

Lumaya na po tayo sa EDSA!
Lumaya na tayo sa ating nakalipas! (Kahit na nagbabalik-tanaw pa rin sa nakalipas)
Labanan ang pilit na itinatali tayo sa EDSA!
Labanan ang pilit na gawing alipin tayo ng EDSA!
Lumaya na po tayo!
Screengrab from Ybiernas's Facebook post


Hello dear avid readers! What are your thoughts on this? Do you agree or not? Please let us know on the comments section below as we would love to hear it. Also, please share the article for more of this. We appreciate your support with us and may you continue to do such by visiting our page more often. Thank you so much!


Love this article? Please like our Facebook page below and Share this article to your friends!


We would love to hear your thoughts. Please share your comments below: