Wednesday, February 21, 2018

Erwin Tulfo galit na galit kay Pia Rañada ng Rappler: Sumikat ka sa kat*ngahan mo at kab*bohan!


Isang galit na Erwin Tulfo ang mapapanuod sa kumakalat na video na ito.
Erwin Tulfo and Pia Rañada | Photo CTTO 

Ito ay matapos ang naganap sa Malacañang kahapon, February 20, kung saan si Pia Rañada ng Rappler ay hinarang ng guard na kinilala bilang si Presidential Security Group corporal Marc Anthony Cempron.

Ayon sa video kahapon kung saan makikita si Rañada na nakikipag-usap sa guard, mapapansing hindi sya pinapayagang makapasok ng nasabing PSG personnel. 
Pia Rañada of Rappler | Photo CTTO

Dahil dito, tinanong ng Rappler reporter ang guard kung anong dahilan sa hindi pagpapapasok sa kanya. Base sa matipid na sagot ni PSG corporal Cempron, nung umaga lamang ng February 20 ibinaba ang order sa kanila. Nang magpumilit na tanungin ng nasabing reporter si Cempron tungkol sa detalye ng nasabing order, tumanggi itong magbigay ng komento.
Presidential Security Group corporal Marc Anthony Cempron | Screengrab from Rappler's video

Pursigidong malaman ang dahilan, walang takot na nagpumilit magtanong si Rañada at inalam kung saan nanggaling at bakit nagkaroon ng ganoong patakaran na nag-aapply lamang sa kanya. 

Panuorin ang video: 


Dahil sa pagpupumilit, hindi nakuntento ang Rappler reporter at nagpadala ng text message kay Mia Reyes kung sino ang Undersecretary for Media Relations.

Makalipas ang ilang minuto, dumating ang isa pang PSG personnel sa guardhouse para magpaliwanag sa naturang reporter at sabihing na-clarify na nila ang order.
PSG personnel | Photo from Rappler

Ayon sa balita mula sa Rappler, sinabi ng dumating na PSG personnel na ang utos ay huwag papasukin si Rañada hindi sa New Executive Building pero sa Malacañang Palace mismo.
Pia Rañada of Rappler | Photo CTTO

Nang magtanong sya kung hanggang kailan ipapatupad ang nasabing order, tumanggi ng sumagot ang PSG personnel.

Narito ang pangalawang video:



Samantalang narito naman ang video ni Erwin Tulfo kung saan makikitang galit at nanggagalaiti sya sa Rappler reporter na si Pia Rañada.


Rappler Logo

Source: Para sa Bayan Facebook page Rappler

Hello dear avid readers! What are your thoughts on this? Please let us know on the comments section below as we would love to hear it. Also, please share the article for more of this. We appreciate your support with us and may you continue to do such by visiting our page more often. Thank you so much!


Love this article? Please like our Facebook page below and Share this article to your friends!


We would love to hear your thoughts. Please share your comments below: