Tuesday, February 27, 2018

Aktor na si Alfred Vargas, umaapela ng P1 billion para sa Dengvaxia victims!


Ang sikat na aktor noon na si Alfred Vargas ay nasa larangan na ng pulitika ngayon.
Alfred Vargas | Photo CTTO

Kadalasan, kilala ang aktor dahil sa mga pagganap nito sa mgadaring at sexy roles. Ganun pa man, hindi naging balakid ito para pasukin ng aktor ang magulong mundo ng pulitika. 

Bilang Congressman, isa si Alfred Vargas sa ilan sa mga matatapang na pulitiko na ngayon ay bahagi ng kongreso.

Patunay na rito ang balita kamakailan lamang tungkol sa panukala na inilabas ng nasabing Congressman.

Ayon sa report, ang inilabas na House Resolution  Number 1724 ni Congressman Alfred Vargas ay dahil sa kanyang malasakit sa mga bata na naturukan ng gamot na Dengvaxia maging sa kanilang mga labis na nag-aalalang mga pamilya.

Habang ito ay nakakamangha, hindi na nakapagtataka ang nasabing hakbang ni Cong. Vargas. Ito ay sa kadahilanang sya ay isa na ring magulang kung kaya't alam na alam nya ang pakiramdam ng mga kagaya nya na sobrang nangangamba para sa kalusugan ng kanilang mga walang kalaban-laban na anak. 
Photo CTTO

Dahil dito, hindi nakakakita ng anumang dahilan ang dating aktor para sisihin ang mga magulang na walang takot na naglalabas ng kanilang mga nagpupuyos na damdaming laban sa mga taong nasa likod ng mass vaccination na ginawa para sa Dengvaxia.

Sa kabila nito, umaasa pa rin ang Congressman na kakalma at magiging mahinahon ang lahat para maresolba ang napabigat na problemang ito. 

Base sa report, narito ang bahagi ng kopya ng nabanggit na House Resolution na syang isinusulong ni Cong. Vargas ngayon:

“While the Sanofi Pasteur (Dengvaxia manufacturer) has refunded the DOH the amount of Php1.16 billion representing the unused Dengvaxia vaccines, it has turned down the Health Department’s demand to reimburse the full P3.5 billion for the used and unused vaccines, stating that agreeing to the demand will be an admission that Dengvaxia does not work.
Photo CTTO

“What is worse is that the Dengvaxia  maker has also rejected the DOH’s request to financially support the vaccinated children who are, or maybe, hospitalized.

“The whole controversy has caused not only panic and paranoia among the vaccinated children and their parents, but also mental and emotional trauma among the families of children who have died.

“There is an urgent need for the government to provide funding, whether or not Sanofi Pasteur decides to reimburse the DOH the full amount paid  for the Dengvaxia vaccines, to finance the needed cure or medical care for the vaccinated children, as well as for counseling and emergency economic assistance to the families of the deceased victims,” 

Kung titignan, ang layunin lamang ng nasabing panukala ay para mabigyan ng additional Php 1 billion funds ang Department of Health at Department of Social Welfare and Development mula sa Department of Budget and Management. Ito ay dahil ang nabanggit na dalawang government agency ang nagbibigay ng kaukulang tulong sa mga nabiktima ng Dengvaxia vaccines. Ilan dito ay ang counseling, medical aid at emergency economic assistance sa mga apektadong pamilya.

'Ang kunin sa savings ng 2017 National Budget ang isang bilyong piso na ibibigay sa DOH at DSWD  ang suggestion ni Alfred sa Department of Budget and Management.', ayon sa report.
Photo CTTO

Sa naturang house resolution ni Alfred Vargas na nararapat lang nating suportahan para na rin mismo sa kapakanan ng mga biktima ng Dengvaxia vaccines ay nakasaad, “The Department of Budget and Management reallocate the amount of One Billion Pesos from available savings to augment the allocations of the Department of Health and the Department of Social Welfare and Development, specifically for the purpose  of providing amelioration assistance for  the victim of the controversial Dengvaxia vaccines”.

Source: Philstar

Hello dear avid readers! What are your thoughts on this? Please let us know on the comments section below as we would love to hear it. Also, please share the article for more of this. We appreciate your support with us and may you continue to do such by visiting our page more often. Thank you so much!


Love this article? Please like our Facebook page below and Share this article to your friends!


We would love to hear your thoughts. Please share your comments below: