Tuesday, December 5, 2017

Abot-kaya lang pala! | Dengvaxia, ibinibenta sa India sa napakamurang halaga?


Matapos pumutok ang eskandalo ng Dengvaxia sa publiko, samut-saring opinyon ang nagsilabasan sa social media.
Cropped photo from Maharlika

Kabilang na dito ang naging dahilan kung bakit mistula umanong minadali ng nakaraang Aquino administration ang pagpapa-implement ng immunization program sa public shools; bagay na hindi sinang-ayunan ng mga eksperto noon pa man.

Pero ano nga ba ang Dengvaxia at ano ang panganib na kapalit nito?

Ang Dengvaxia ay ang sinasabing gamot para proteksyonan ang mga nabakunahan nito sa banta ng dengue na makukuha mula sa kagat ng lamok. Ngunit ayon sa Sanofi, ang giant French Pharmaceutical Company na responsable sa paggawa nito, lumabas sa kanilang bagong pag-aaral na ang mga taong hindi pa nagkakaroon ng dengue bago pa man maturukan nito ay nagkakaroon ng 'severe diseases'.

Marami ang nagsasabing napulitika ang bakunang ito. Napulitika dahil isa ito sa mga maituturing na 'achievement' ng nakaraang administrasyon kung sakali. Bagay na magpapabango din ng pangalan ng mga involved kapag nagkataon pati na ng kanilang political party — ang Liberal Party. 

Subalit base sa sumabog na mga balita nito lamang mga nakaraang araw, kabaliktaran ang nangyari. Ito ay hindi matatawag na achievement o tagumpay bagkus, ito ay maaaring mukha ng korapsyon. Korapsyon na naglagay sa buhay ng daan-daang kabataang Pinoy sa panganib.

Para malaman kung korapsyon man talaga o hindi, ang tanong ngayon ng nakararami: reasonable ba ang presyo na ibinigay ng Sanofi sa gobyerno ng Pilipinas para sa transaksyong ito?

Ayon sa Facebook post ng kilalang Duterte supporter na si Maharlika, ang gamot na Dengvaxia ay ibinenta ng Sanofi sa Department of Health o DOH sa halagang 1000 pesos. Samantalang sa bansang India, ito ay nagkakahalaga lamang ng '12 Indian Rupee o 9 pesos and 42 centavos'. 

Dagdag pa nya, 'Nagsabwatan ang Sanofi, si dating Health Secretary Janette Garin at Noynoy Aquino para maka kulimbat ng bilyon-bilyon kapalit ang kapahamakan ng ating mga kabataan?'.

Makikita sa screenshot ni Maharlika ang presyo mismo ng gamot na ito.
Photo from Maharlika

Check out her full post below

So, na ang halaga nito sa Indian market ay 12 Indian Rupee o 9 pesos and 42 centavos . X100 ang mark up o tubo nila. Ang tanong? Nagsabwatan ang Sanofi , si dating Health Secretary Janette Garin at Noynoy Aquino para maka kulimbat ng bilyon-bilyon kapalit ang kapahamakan ng ating mga kabataan? Kung ito ay mapapatunayan natin sa korte , dapat hindi lang kagat ng 700,000 na lamok ang parusa sa kanila kundi ITUROK ang lahat ng #DengVaxia sa lahat ng nakinabang sa pera.
Photo from Maharlika's Facebook Page



Love this article? Please like our Facebook page below and Share this article to your friends!


We would love to hear your thoughts. Please share your comments below: