Thursday, November 23, 2017

WATCH: High school student, may panawagan! Binanatan ang mga dilawan, CHR at biased media


Isang mag-aaral ang gumawa ng video para sa kanyang panawagan sa mga naninira sa Pangulong Duterte.
Bryan Sioson | Photo from his Facebook 

Sa pamamagitan ng social media, partikular na ang Facebook, ibinahagi ng High School student na si Bryan Wendell Sioson ang kanyang saloobin sa mga kaganapan sa bansa. Kabilang na dito ang mga kaguluhan dulot ng mga kumakalaban sa Pangulo.

Narito ang kabuuan ng kanyang sinabi:

Ang Aking Saloobin sa Paglalakbay ng Ating Mahal na Pangulo tungo sa magandang buhay
By: Bryan Wendell Sioson

Sa panahon ngayon, samu't sari na ang mga krimen ,sakuna at problema ang laganap sa ating bansa.Kaya nga't patuloy na tinutupad ng ating mahal na Pangulo ang bawat pangakong kanyang binitawan sa ating mga Harapan bago pa man ang halalan.Pero Kaliwa't kanan pa rin ang mga batikos ng ibang Tao dahil sila ay tutol sa pamamaraan ng Pangulo kung papaano niya maaayos ang ating bansa.

Katulad na lamang ng mga CHR na kung saan ay sila ang nagrereklamo at nagbabatikos sa tuwing may namamatay na adik o mga tiwakal dahil sa operasyon ng ating Pangulo. Pero tanong ko lang sa inyo mga CHR kung nasaan kayo noong mga panahong may napatay na inosente ang mga adik o kriminal? Tanong ko lang din ano ba talaga ang nais niyo mga CHR ?Ang mamatay ang mga taong minsan ding nakapatay sa taong tahimik na namumuhay? O Ang mamatay ang mga inosente dahil talamak ang mga adik sa kalye?

Bukod pa dito,Marami pa ding mga nasa pwesto sa gobyerno ang Naninira sa ating Pangulo .Katulad na lamang ni Trillanes na imbes na makipagtulungan sa ating Pangulo Tungo sa pagbabago ay siya pang dahilan ng kaguluhan sa ating pamahalaan.Dahil maaaring siya'y may pinagtatakpan o natatakot na ang mga baho niya ay malaman ng ating mga kababayan.

Kayo din namang mga dilawan na imbes na makipagtulungan sa ating pamahalaan,Ay kayo pa pala ang dahilan kung Bakit maraming kaguluhan sa aking bansang sinilangan.Kayong mga dilawan din ang may pangako ng tuwid na daan sa ating bayan pero sa nakikita ko ay Wala namang pagbabago dahil Sa pagkakaalam ko ay kung handa ka talagang magsilbi sa bayan mo ay kahit Hindi ka manalo sa boto ng mga Tao ay dapat Tumulong ka pa rin sa pagasenso ng bayan mo .Pero iba ang nakikita ko.

Pati na rin ang mga Bias na Media na nilalason ang mga utak ng Tao na walang serbisyong totoo na iba ang ipinararating na balita sa mga Tao sa dapat na makita at malaman ng mga ito.Buti nalang ay maraming taong Suportado ang ating pangulo na nagbibigay alerto sa mga tao tungkol sa ating gobyerno para Hindi na muli maloko ng mga pekeng serbisyo .

Buti nalang ang pinili ng mga kapwa ko Pilipino ay ang Isang Tao na handang mamuno sa bayan ko at ang serbisyo ay totoo.

Kaya't bilang Isang kabataan ,ako ay may pinaniniwalaan na alam kong Hindi ko pagsisisihan dahil alam kong lubak man ang daan na aking Lalakaran ay alam ko naman na ang patutunguhan nito ay maunlad na bayan dahil sa tulong ng aking pinagkakatiwalaan.Siya ang ating Pangulong Rodrigo Duterte na aking hinahangaan at tinutularan.

Watch his video below



Source: Bryan Sioson

Hello avid readers! What are your thoughts on this? Please let us know on the comments section below. Thank you!


Love this article? Please like our Facebook page below and Share this article to your friends!


We would love to hear your thoughts. Please share your comments below: