Tuesday, November 21, 2017

Prominent newscaster lambasts House Speaker anent recent political pronouncements: Ano bang gusto mong patunayan?


The veteran journalist, Jay Sonza, slams the House Speaker Pantaleon ‘Bebot’ Alvarez on one his posts on his Facebook page.
House Speaker Pantaleon ‘Bebot’ Alvarez | Photo from Inquirer

The prominent newscaster’s post was due to the House Speaker’s recent announcements made in Cebu.

Political pronouncements made by the said speaker involved his senatorial slate of PDP-Laban
for the senatorial elections come 2019.

Below is his Facebook post:

Hindi ko alam kong ano ang gustong patunayan o motibo ni Speaker Pantaleon “Bebot” Alavarez sa kanyang mga huling kilos o hakbanging pulitikal. 

Unang-una, hindi naman siya ang pinuno ng PDP o Philippine Democratic Party. Ang alam kong pangulo nito ay si Senate President Aquilino “Koko” Pimentel III.

Ikalawa, ang mga lehitimong opisyal at miyembro ng PDP sa Mindanao ay pinag-aalis niya sa puwesto. Kaya tuloy, kaila sa marami, si Alvarez mismo ang tinaggal ng PDP Davao at Southern Mindanao. 

Ikatlo, una siyang nag-announced ng isang senatorial line-up para sa 2019 elections nang hindi man lang sinasabihan ang partido at maging ang mga taong kanyang tinuran. katulad halimbawa ni House Majority Leader Rudy Farinas ang nagtatuwa. 

Nitong huli, nag-announced na naman si Bebot Alvarez ng senatorial line-up ng partido na kinabibilanagan nina Presidential Spokesman Harry Roque at Assistant Secretary Mocha Uson. 

Ang siste, sina Uson at Roque ay hindi man lamang sinabihan ni Alvarez sa kanyang gagawing announcement. Tuloy, nagpiyesta ang mga kritiko ng Palasyo sa pagkakasali ng dalawa sa line-up, bagay na itinaggi ng dalawa. 

Nag-iisip ba itong si Alvarez o hindi? Hindi ba niya alam na dahil nasa puwesto sina Uson at Roque, lahat ng ikikilos nila ay maaring lagyan ng kulay ng media at ng mga kritiko. 

Was Alvarez even authorized by the central committee of PDP to make such announcements? Is he trying to project that he is the political kingmaker of the ruling party? Is he playing a projected lead role for his possible run in the Philippine Senate, preparatory to his intention to run for president in 2022? 

Bakit kung tatakbo ba siya ng senador ay tiyak ang kanyang panalo? Baka nga hindi eh. Buhay pa ang alaala ng taong bayan sa kanyang pagkakasangkot sa maanomalyang PIATCO deal. Hindi pa limot ng mamamayan ang samut-saring katiwalian noong siya pa ang namumuno sa Department of Transportation and Communication, dahilan upang siya ay tanggalin sa gabinete noon. 

Kung tatakbo naman siya for re-election sa 2nd District ng Davao Province, nakasisisuro ba siya na mananalo pa siyang muli? Ito ay pagkatapos niyang siraan ang mga local leaders ng PDP, dahilan upang siya ay itakwil. 

Nakalimutan ba ni Bebot Alvarez na sa ilang ulit niyang pagtakbo sa kanyang distrito, ang tumulong sa kanya ay ang pamilya Floirendo at del Rosario. Ang dalawang pamilyang ito ang gumastos sa kanyang kampanya. 

Kung maigsi ang memory ni Alvarez, ipapaalaala ko sa kanya na noong huli siyang natalo ay dahil din sa hindi siya sinuportahan ng pamilya Floirendo. Nitong huli naman ang dalawang pamilya ring ito ang kanya ngayong kinakalaban ng personal at maging sa isyu ng negosyo. 

Hindi kaya isang political suicide ang ma-identify kay Speaker Alvarez for the 2019 elections?

Source: Jay Sonza


Love this article? Please like our Facebook page below and Share this article to your friends!


We would love to hear your thoughts. Please share your comments below: